Nakapagtala ang Department of Health ng kabuuang 157 kaso ng rabies mula Enero hnaggang Hunyo 27 ngayong taon na nagresulta lahat sa kamatayan.
Paliwanag ng DOH na ang rabies ay may 100% fatality rate kung kayat napakahalaga ang aksyon ng ahensiya ng DOH, Deaprtment of Agriculture, lGUS at local veterenarians para mapigilan ang paglaganap ng virus sa mga hayop gaya ng aso at pusa na kayang makapag-infect sa tao sa pmamagitan ng kagat at kalmot.
Base sa data mula sa DOH, naitala ang pinakamataas na kaso ng rabies sa rehiyon ng Central Luzon na may 25 cases (16 percent), Calabarzon -21 cases (13 percent), Western Visayas-17 cases(11 percent) at Zamboanga Peninsula- 16 cases (10 percent).
Ayon sa kagawaran, karamihan sa mga kaso o nasa 119 mula sa 157 kaso ng rabies ay hindi bakunado ng rabies immunoglobulin (RIG) o rabies vaccine.
Naitala ang mataas na kaso ng rabies mula sa kagat ng aso na nasa 131 cases.