-- Advertisements --

Sinimulan na ng Office of the Civil Defense (OCD) ang distribusyon ng 15,000 sets ng personal protective equipment (PPEs) na first batch ng halos 1-milyong binili ng gobyerno para sa frontliners ng COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni Health Sec. Francisco Duque III sa virtual presser ng DOH nitong araw.

“We already have 15,000 PPEs being distributed today by the OCD,” ani Duque matapos bisitahin ang Lung Center of the Philippines, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital at Quezon Institute kaninang umaga.

Kabilang sa mga naaambunan ng unang batch ng PPEs ang mga ospital tulad ng:

AFP Medical Center – 1,100
East Avenue Medical Center – 770
San Lazaro Hospital – 2,780
Lung Center of the Philippines – 2,800
Philippine General Hospital – 2,000
Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital – 2,590

Sa ngayon minamadali na raw ng DOH ang arrangements para sa transportasyon ng natitirang 885,000 PPEs.

“We are currently using a C130 plane to transport these PPEs, and one flight can accommodate 15,000 PPEs.”

“The team is trying to arrange for a bigger plane to transport the PPEs to health care workers faster.