-- Advertisements --

Nasa 15 katao ang nasawi sa Russian rocket attack sa isang train station ng Ukraine.

Sinabi ni Ukraine President Volodymyr Zelensky, naganap ang nasabing insidente sa railway station ng Dnipropetrovsk region.

Sugatan din ang nasa 50 katao na nasa lugar ng mangyari ang rocket attack ng Russia.

Dahil sa atake sa Chaplyne station ay nasunog ang apat na bagon ng tran.

Posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi dahil nasa malubhang kalagayan ang ibang mga sugatang pasahero.