-- Advertisements --

Nasa 15 katao ang patay matapos ang naganap na malawakang landslide sa southern Peru.

Nagbunsod ang nasabing landslide dahil sa walang humpay na pag-ulan sa lugar.

Maraming mga kabahayan ang natabunan dahil sa landslide na naganap sa bayan ng Secocha.

Personal naman na tinungo ni President Dina Boluarte ang lugar para tignan ang kalagayan ng mga residente.

Nagpaabot na rin ito ng pakikiramay sa mga kaanak ng nasawing biktima.