-- Advertisements --

Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) ang kanilang desisyon na suspendihin muna ang 15 licensure exam na gaganapin sana ngayong taon.

Ang hakbang na ito ay epekto na rin umano ng coronavirus pandemic sa bansa na nagbunsod sa mga umiiral na restrictions at pagpapalawid ng community quarantines.

Nais ding siguraduhin ng naturang ahensya ang kalusugan at kaligtasan ng mga examinees, Professional Regulatory Boards (PRBs) at examination personnel.

Ang lahat ng examinations na naka-schedule sa Oktubre-Disyembre 2020 ay ipagpapatuloy sa susunod na taon.

Narito ang listahan ng mga licensure examinations na ipagpapatuloy sa susunod na taon:

  • Licensure Examination for Architects (October 30 – November 1, 2020)
  • Licensure Examination for Midwives (November 8 – 9, 2020)
  • Civil Engineers Licensure Examination (November 15 – 16, 2020)
  • Aeronautical Engineers Licensure Examination (November 17 – 19, 2020)
  • Geologists Licensure Examination (November 17 – 19, 2020)
  • Nurses Licensure Examination (November 22 – 23, 2020)
  • Criminologists Licensure Examination (November 29 – December 1, 2020)
  • Dental Hygienists Licensure Examination – Written (November 24, 2020)
  • Dental Hygienists Licensure Examination – Practical (November 25, 2020)
  • Dentists Licensure Examination – Written (December 2 – 4, 2020)
  • Dentists Licensure Examination – Practical (December 15 – 22, 2020)
  • Dental Technologists Licensure Examination – Written (December 7, 2020)
  • Dental Technologists Licensure Examination – Practical (December 8 – 9, 2020)
  • Licensure Examination for Radiologic Technologists and X-ray Technologists (December 10 – 11, 2020)
  • Licensure Examination for Pharmacists (December 13 – 14, 2020)

Nagbigay abiso na rin ang PRC sa mga examinees na palaging icheck ang kanilang official website at social media accounts para sa mga importanteng updates na may kaugnayan sa licensure exams.