Davao City – Pinarangalan ng Department of Interior and Local Government (DILG), ang labing limang mga Local Government Units o LGUs sa Region XI.
Kinabibilangan ng Sampung bayan, dalawang lungsod at dalawang provincial LGU ang nakatanggap ng award na Seal of Good Local Governance o SGLG.
Kabilang sa mga nakatanggap ang probinsya ng Davao del Norte at Davao Oriental. Sa City category naman ay nakatanggap ang Mati, Digos, at Island Garden City of Samal. Habang sa municipal level,awardees Maragusan, Monkayo, at New Bataan sa Davao de Oro; Bansalan, Matanao, at Sulop naman sa Davao del Sur; Don Marcelino sa Davao Occidental; at Banaybanay, Lupon, at San Isidro sa Davao Oriental.
Matatandaang ang Seal of Good Local Governance Act of 2019 o Republic Act No. 11292 ay naging batas noong Agosto 2, 2019 kung saan layon nito nga mabigyan ng parangal ang mga LGUs hinggil sa kanilang magandang performance.
Isa sa mga ikinokonsidera ay ang disaster preparedness, social protection, tourism, health compliance and responsiveness, mga programa para sa edukasyon, peace and order, at iba pa.