Tumaob ang sinasakyang bangka ng mga Rohingya refugees sa Bay of Bengal kung saan 15 katao ang nasawi.
Nnagyari ang insidente malapit sa Saint Martin’s Island. Ayon sa mga otoridad, may lulan na 130 Rohingya refugees ang nasabing bangka.
Kinumpirma ni Captain Waseem Maqsood, coastguard commander ng Chittagong division, nasa 71 katao ang kanilang nailigtas habang 40 katao naman ang hinihinalang nasa likod ng trahedya.
Nagpadala na rin ang gobyerno ng coastguard vessel, dalawang navy ships at dive teams sa lugar ng insidente upang tumulong sa paghahanap.
Hinihinala ng mga otoridad na umalis mula Teknar upang tumakas.
Wala namang impormasyon na nakuha si Maqsood kung saan patungo ang bangka dahil sa ngayon ay nakatutok ang mga ito sa rescue operation.