-- Advertisements --
image 594

Humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) ang humigit-kumulang 15 tripulante ng lumubog na oil tanker na MT Princess Empress, na pinagmulan ng napakalaking oil spill sa Oriental Mindoro.

Kasamang humarap ng mga crew members ang kanilang mga abogado.

Nauna silang pina-subpoena ng mga awtoridad kaugnay ng kanilang imbestigasyon sa spillage mula sa tanker, na may dalang 900,000 liters ng industrial fuel oil nang lumubog ito sa karagatan ng Naujan noong nakaraang buwan.

Ang kapitan ng naturang barko, oilers, crew, at staff ay malalimang ininterview ng mga ahente ng National Bureau of Immigration ukol sa naganap na insidente.

Habang ang Ilan pang tripulante ay nasa probinsya at nabigong humarap sa NBI.

Ayon sa kawanihan, sa ngayon ay tinatrato na sila bilang persons of interest ng lumubog na oil tanker.

Kung matatandaan, ang MT Princess Empress ay natagpuan na sa ilalim ng karagatan ng isang Japanese remotely operated vehicle.

Sa ngayon, tatlong bansa na ang kasalukuyang tumutulong sa Pilipinas upang mabilis na matugunan ang pagkalat ng oil spill sa Oriental Mindoro.