-- Advertisements --

Nasa 17 spots na lamang ang natitira para makompleto na ang 32 mga bansa na pwedeng lumahok sa prestihiyosong 2022 World Cup na gaganapin sa Nobyembre hanggang Disyembre sa Qatar.

Ito ay makaraang umabot na sa 15 mga national teams ang nag-qualify kabilang na ang host qatar.

Narito ang mga bansang pumasok na sa football’s biggest competition na kinabibilangan ng Argentina, Belgium, Brazil, Croatia, Denmark, England, France, Germany, Iran, Netherlands, Qatar, Serbia, South Korea, Spain at Switzerland.

Sa Asya may anim na spot ang nakalaan at ang mga nag-qualify na ay ang Iran, Qatar, South Korea at ang pinakabago ay ang Japan.

Tinalo kasi ng Japan ang Australia, 2-0, sa qualifying upang muling uusad sa World Cup sa ikapitong sunod na pagkakataon.