CENTRAL MINDANAO- Naaagnas na ang katawan ng isang dalagita nang matagpuan ang kanyang bangkay sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Baby Jane Francisco,15 anyos,3rd year high school at residente ng Brgy Blensong North Upi Maguindanao.
Ayon sa ulat ng pulisya ilang araw ng hindi nakauwi ang dalagita sa kanilang tahanan ng itoy pumasok sa kanyang paaralan.
Laking gulat na lang ng mga kapitbahay ng biktima ng itoy matagpuan sa damuhan at naaagnas na ang katawan.
Nagtamo ang dalagita ng maraming pasa sa kanyang katawan at sinakal pa ito gamit ang kanyang jogging pants.
Marami ang naniniwala na posibleng ginahasa ang biktima at pinatay ng suspek.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng North Upi PNP sa Maguindanao sa naturang pangyayari.