Nasa kabuuang 1,400 child laborers ang nasagip at nabigyan ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong 2022.
Ito ay sa pamamagitan ng strategic help desks for information, education, livelihood, and other developmental interventions (SHIELD) kung saan nabigyan ng agarang interventions ang child laborers sa community level kabilang ang pagbibigay ng educational assistance mula sa DSWD at case referrals sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno.
Ayon pa sa ahensiya, mayroong help desks ang naturang programa sa mga barangay at local registry system para sa referral ng available na support services.
Layunin ng programa na maisalba ang mga bata mula sa mas malala pang uri ng child labor sa pamamagitan ng pagbibigay ng holistic at agarang tulong sa community level.
Tiniyak naman ng ahensiya ang patuloy na implementasyon ng SHIELD laban sa child labor sa lahat ng rehiyon sa bansa para maasistihan ang mga batang napilitang magtrabaho sa murang edad dahil sa kahirapan at bilang parte ng pagsusumikap nito na mawaksan na ang child labor sa ating bansa.