-- Advertisements --

Nasa 140 lugar na sa 72 barangays sa Metro Manila ang isinailalim sa granular lockdown.

Batay sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nasa 333 police personnel mula sa iba’t ibang police district ang idineploy para tumulong sa 480 barangay tanod at force multipliers sa pagselyo ng mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.

Pinakamaraming lockdown areas ay sa area of responsibility ng Northern Police District (NPD) na nasa 76 sa 22 barangays.

Kasunod ang sakop ng Quezon City Police District (QCPD) na may 42 lugar sa 35 barangays.

Pangatlo ang Eastern Police District (EPD) na may 19 na lockdown areas sa 12 barangays; habang ang Southern Police District (SPD) ay may tatlong lockdown areas sa tatlong barangays.

Bukod-tanging ang Manila Police District (MPD) ang walang iniulat na lugar na isinailalim sa lockdown sa kanilang nasasakupan.