Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs na 14 sa 56 na Pinoy na tumawid na sa Egypt ay nagpasya na manatili at hindi tumuloy sa Cairo matapos na hindi mabigyan ng security clearance ang kanilang mga asawang Palestinian.
Ayon sa DFA, kinukumbinsi ng mga opisyal ng embahada ang 14 na Pinoy na huwag manatili sa Gaza at sumama sa iba pang mga Pilipino na aalis sa susunod na batch.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na 56 na Pilipino ang umalis sa Gaza Strip na patungo sa Egypt sa pamamagitan ng Rafah crossing.
Ang mga Pilipino ay dapat na maglakbay sa Egyptian capital ng Cairo, kung saan sila sasakay ng mga flight pabalik sa Pilipinas.
Una na rito, noong nakaraang linggo, 42 Pilipino ang nakaalis sa Gaza Strip sa pamamagitan ng Egypt o dahil sa pagtawid sa Rafah border.