-- Advertisements --
Philippine Coast Guard

Nakatakda nang tapusin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang search and rescure operation sa lumubog na fishing vessel na Liberty 5 lulan ang 14 na mangigisdang Pinoy matapos mabangga ng Hong Kong-flagged cargo vessel sa karagatang sakop ng Occidental Mindoro.

Aminado kasi si PCG Commandant Vice Admiral George Ursabia Jr., na manipis na lamang ang tiyansang mahanap na buhay ang mga mangingisda dahil noong Linggo pa lumubog ang naturang fishing boat.

Dahil dito, sinabi ni Ursabia na sa Linggo ay posibleng ihinto na rin nila ang search and rescue operation.

Pagkatapos nito ay  magsasagawa raw sila ng evaluation para pagdesisyunan kung itutuloy pa ng dalawang araw ang search and retrieval o ihihinto na ito.

Una rito, sinabi ng PCG na nakahanda silang maghain ng kaso laban sa mga operators ng cargo vessel.

Kalakip ng isasampang kaso ang mga ebidensiya at sworn statements ng mga mangingisdang saksi sa nangyaring insidente.