-- Advertisements --
Nasa 14 na mga bata ang nasawi matapos ang paglubog ng isang bangka sa Cambodia.
Galing sa kanilang paaralan ang mga biktima at pauwi na ng lumubog ang sinakyang bangka sa Mekong River ng Phnom Penh.
Isa sa nakitang dahilan ng paglubog ay ang labis na pasahero o ang pagiging overloaded ng bangka.
Ayon kay Phom Penh provincial police chief Chhoeun Sochet na bukod sa pagiging overloaded ang sasakyan ay naging pabaya ang may-ari ng bangka dahil sa walang mga life jacket ang mga biktima.
Patuloy din na hinahanap ng mga otoridad ang isang biktima na nawawala matapos ang insidente.