Patay ang 14 na mga bagong silang na sanggol matapos ang naganap na malawakang sunog sa Pakistan Institute of Medical Sciences (PIMS) sa Islamabad, Pakistan.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad nagsimula ang sunog sa isang air-conditioning unit at mabilis na lumaki ang apoy dahil sa nakakonektang oxygen.
Mayroong 15 mga bagong silang na sanggol sa ward noong nangyari ang sunog at isa lamang ang nailigtas.
Dadaan pa sa mga DNA testing ang mga bangkay para makilala ng mga magulang ang kanilang anak.
Ang pagamutan ay binubuo ng 24 na mga medical at surgical specialist units na nagbibigay ng malawak na serbisyo.
Mayroong kapasidad nito ng 1,200 na mga hospital beds at 5,000 na mga outpatients.
Nais naman ni Pakistani President Asif Ali Zardari na panagutin ang mga responsable at sampahan ng kaukulang kaso ang mga opisyal ng pagamutan dahil sa kapabayaan.
















