Sisimulan na ang pamamahagi ng Social Security System (SSS) ng 13th month pension para sa mga miyembro nito sa Disyembre 1 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay SSS Deputy Spokesperson Attorney Marissa Mapalo, ang matatanggap na 13th month pay ng mga pensioners ay katumbas ng kanilang natatanggap na buwanang pension.
Kabilang sa mga pensioners na makakatanggap ng 13th month pay ay ang retiree pensioners at surviving pensioners o ang mga tumatanggap ng pensiyon bilang kapalit ng kanilang namayapang kapamilya.
Sinabi din ng SSS official ngayong sistematiko na ang paglalabas ng naturang benepisyo, dapat na maibigay sa mga pensioner ang kanilang 13th month pay kasabay ng December pension.
Sakali man na magkaroon ng problema sa pension o 13th month pay, maaari namang tumawag ang mga pensioner sa SSS hotline na 81455 o magpadala ng email.