May higit 500 pasyente na ng COVID-19 sa bansa ang sumali sa clinical trial ng World Health Organization (WHO) sa ilang posibleng gamot laban sa coronavirus disease.
TINGNAN: Bilang ng COVID-19 patients sa bansa na sumali sa clinical trial ng WHO sa ilang posibleng gamot vs COVID-19.
— Christian Yosores (@chrisyosores) July 6, 2020
Dalawang "off-labeled drug" na ang ipinahinto ang trial, kasunod ng rekomendasyon ng WHO. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/LNPDX4hkm7
Batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH), 212 ang piniling magpasailailim sa local standard of care. Nasa 213 naman ang ginagamitan ng anti-Ebola drug na remdesivir.
Inihinto naman ng ahensya ang paggamit ng anti-malaria drug na hydroxychloroquine sa 66 na naunang nag-enroll para sa nasabing gamot.
Pareho rin ang naging hatol sa 85 COVID-19 patients na ginamitan ng lopinavir/ritonavir na isang anti-HIV drug.
Kung maaalala, inirekomenda ng mga eksperto mula sa WHO na ihinto na ang solidarity trial sa dalawang gamot dahil hindi naman daw nito napabuti ang lagay ng mga ginamitang pasyente.
“Hindi pa nating masasabing bumuti sila o hindi kasi hindi pa tapos yung trial. Tapos maraming factors na pwedeng nakakaapekto kung bakit bumubuti sa isang progress ng sakit ng isang pasyente.”
“Because the trial (is) hindi na natin matutuloy, hindi na natin masasabing yung hydroxychloroquine at lopinavir/ritonavir ang talagang nagbigay ng ganong epekto sa ating mga patients.”
Sa ngayon hinihintay pa rin ng DOH ang approval ng ethics committee para sa hiwalay na trial ng Japanese anti-flu drug na Avigan.
Kapag naaprubahan, ay agad ipapasa sa Food and Drug Administration para sa certification.