GENERAL SANTOS CITY – Dahil lamang sa nag viral na sex video ang kadahilanan sa pag-suicide ng 13-anyos na dalagitan.

Ito ang lumabas na resulta sa imbestigasyon ng Lagao Police Station sa pagkamatay ng biktima na si Regine Anne Llanes Uy, na residente ng Casa Luisa village, Lagao sa lungsod.

Ayon sa pulisya na nakita na lamang na bangkay na ang biktima matapos mag-suicide na dalawa hanggang tatlong araw na ang nakalipas.

Nakita umano ang nasabing bangkay sa kanyang 11-anyos na kapatid ng dumungaw sa silid na kinalagyan ng biktima na nakatali sa nylon cord.

Kagaad nirespondehan ng scene of crime operative ang bangkay at dinala sa punerarya. Dumating din sa Lagao Police Station ang 13-years old na boyfriend ng biktima at sinabi na nagkaroon umano ng problema ang biktima matapos lumabas ang sex video ng biktima na nag-viral sa social media kasama ang isang lalaki .

Nalaman na huling nakita ang biktima noong Nobyembre 13, 2019 nang pumasok ito ng paaralan.