CAUAYAN CITY- Bumagsak sa kulungan ang isang diver sa barangay matapos maaktuhang nagtutulak ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation sa Osmeña, Solano, Nueva Vizcaya .
Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan ang pinaghihinalaan ay si Fhilmer Cadiente, 35 anyos, binata, Barangay driver at residente ng nabanggit na lugar.
Nasamsam sa pag-iingat ni Cadiente ang 13 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 6,800 pesos .
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Staff Sgt. Aaron Blanco, tagasiyasat ng Solano Police Station sinabi niya na dati nang sumailalim sa plea bargaining si Cadiente na kabilang sa high value target list ng mga awtoridad.
Ayon kay PStaff Sgt. Blanco , matagal na nilang minamanmanan ang galaw ni Cadiente.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinakaharap ng suspek na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Solano Police station.
















