LA UNION – Nakahanada ang 13 quarantine facilities na nadetermina ngayon sa Department of Health Region 1 na magagamit para sa mga Covid 19 patients sakaling dumani ang apektado lalo na ang mga mild symptoms.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, napagsalita ng DOH Region 1, ito ang napag-usapan ng Iter Agency Task Forece (IATF) sa rehiyon sa pagpupulong ng mga ito noong nakaraan linggo kung saan kasalukuyan ang evaluation nila sa mga ito.
Ayon din Dr. Bobis kailangan dumaan sa standard ng DOH ang mga quarantine facilities sa pamamagitan ng mga nakatakdang criteria bago ma-convert sa quarantine facilities ang mga ito.
Layunin ng quarantine facilities na mapababa ang bilang ng mga Patient Under Investigation (PUI’s) at Person Under Monitoring (PUM) sa rehiyon.
Una rito, pinagsubmite ng IATF ang local government units at provincial government kaugnay sa mga proposal ng lugar ng mga ito na gagawin quarantine facilities.