-- Advertisements --
Pumalo na sa 13 katao ang nasawi sa malawakang pagbaha sa Italy.
Ang nasabing pagbaha ay bunsod ng ilang araw na pag-ulan at ang pag-apaw ng nasa 20 ilog sa lugar.
Nakaranas din ang residente ng Bologna ng halos 300 na mga landslides.
Lumikas rin sa kanilang mga kabahayan ang nasa 13,000 na residente.
Ayon kay Civil Protection Minister Nello Musumeci na mayroong 20 cm na ulan ang bumagsak sa loob ng 35 oras habang ang ilang bahagi ng bansa ay mayroong hanggang 50 cm ang lakas ng ulan na bumagsak.