-- Advertisements --

Napatay ng US sa kanilang inilunsad na airstrike ang 13 miyembro ng al-Shabaab terror group sa Somalia.

Kasama ng US ang Somalia military ng isasgawa ang atake sa Teedaan, Somalia nitong Linggo.

Walang anumang sibilyan ang nadamay sa air strike kung saan apat na miyembro ng al-Shabaab terror group ang nasawi.

Magugunitang noong Mayo ay nagdesisyon si US President Joe Biden na muling magpakalat ng sundalo sa Somalia bilang suporta sa mga military doon para labanan ang nabanggit na terror group.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ang US ng airstrike dahil noong Hulyo ay dalawang al-Shabaab member ang kanilang napatay at noong Hunyo ay nasawi rin ang limang miyembro ng terror organization.