Nasa 13 lugar sa Visayas at Mindanao ang apektado ngayon ng red tide.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga lugar ay binubuo ng Sorsogon Bay sa Sorsogon, Irong-Irong Bay sa Western Samar, Cambatutay Bay sa Western Samar, Lianga Bay sa Surigao del Sur, Bislig Bay sa Surigao del Sur, Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielgaos Bay sa Zamboanga del Norte, Murcielagos Bay sa Misamis Occidental, Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City, Bohol, Coastal waters ng Calubian sa Leyte, Coastal waters ng Milagros sa Masbate, Coastal waters ng Daram Island sa Western Samar.
Pinayuhan ng BFAR ang mga mamamayan na bawal muna kumain ng mga shellfish at acetes o isang uri ng hipon.
Ang ilang uri ng isda, pusit at alimango sa lugar ay ligtas naman na kainin basta ito ay fresh o bagong huli.