-- Advertisements --

Pinarangalan ang isang 13-anyos na Pilipina sa Canada dahil sa adbokasiya nitong itaguyod ang pagsasama-sama ng mga batang babae at mga kabataang Pilipino.

Siya ay kinilalang si Jeanae Elisha Ventura, kasalukuyang nakatira sa Calgary.

Tinanggap ni Ventura ang 2023 Calgary Award para sa kategoryang Community Achievement Award for Youth.

Kabilang sa mga nagawa ni Ventura ay ang pagiging volunteer nito sa Alberta Children’s Hospital. Bilang volunteer ay nakalikom siya ng 4,000 na laruan mula 2019 hanggang nitong 2022.

Ang mga nasabing laruan ay naipamahagi naman sa mga batang pasyente na na-admit sa nasabing ospital.

Maliban dito, naging instrumento rin si Ventura upang mabuo ang ‘Gift of Hope’ noong 2020 na may layuning tulungan ang mga biktima ng Bagyong Ulysses sa Pilipinas.

Sa nasabing kampanya ay nakalikom siya ng $1,300. Ang nasabing halaga ay ipinadala sa Pilipinas, ibinili ng mga food packs, at naibili sa kabuuang 250 pices ng food packs.

Ang Calgary Awards ay ibinibigay sa mga indibidwal, korporasyon, mga organisasyon, at mga community groups upang kilalanin ang kanilang mag natatanging ambag sa mga Calgarian.

UNa itong itinatag noong taong 1994.