-- Advertisements --
Nakauwi na sa kani-kanilang tahanan ang 21 pulis at PDEA agents sa Central Visayas matapos nakarekober ang mga ito mula sa sakit na coronavirus disease (COVID-19).
Sa 21 na gumaling, 14 nito ang mga pulis habang anim naman ay mga PDEA-7 agents.
Mayroon namang 30 iba pang pulis na nagpapagaling sa PRO-VII Recovery Center sa Brgy. Taptap nitong lungsod ng Cebu.
Samantala, nag-donate ng blood plasma ang 121 na police trainees na kamakailan ay gumaling sa nasabing virus alinsunod na rin sa programa ng PRO-VII na “Makatao, malasakit blood donation.”
Gagamitin ang mga ito para sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 sa rehiyon habang ang natitira naman ay para sa mga pasyenteng may dengue.