-- Advertisements --

12 na ang nasawi sa naganap na malawakang sunog sa Turkey at Cyprus kabilang dito ang 10 bumbero at dalawang sibilyan noong Huwebes sa gitna ng nararanasang matinding heatwave sa Mediterranean.

Ayon sa Turkish authorities, anim na magkakahiwalay na sunog ang patuloy na inaapula ng mga bumbero, partikular sa mga lalawigan ng Eskisehir, Afyonkarahisar, at Bilecik.

Malalakas na hangin at matinding init naman ang nagpapalala sa sitwasyon kung saan mahigit 14 na bumbero ang nasugatan, at libo-libong residente naman ang inilikas.

Samantala, sa Cyprus, dalawang katao ang natagpuang patay sa loob ng kanilang sasakyan matapos ma-trap sa kabundukan ng Limassol.

Tinatayang 124 square kilometers ng kagubatan na ang natupok ng apoy ilang bansa naman tulad ng Jordan, Egypt, Spain, Greece, at Israel ang nagpadala ng tulong.

Ayon sa mga opisyal, hindi pa tiyak ang sanhi ng sunog ngunit iniimbestigahan ang posibilidad ng arson.