-- Advertisements --

Target ngayon ng Department of Tourism na makamit ang nasa 12-million tourist arrivals sa bansa sa kasagsagan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang inihayag ni Tourism Secretary Christina Frasco kasunod ng launching ng pinakabagong tourism tagline ng bansa na “Love the Philippines”.

Ayon kay Frasco, sa ilalim ng national tourism development plan ay maaabot ng kagawaran ang baseline target nitong 12-million tourist arrivals pagsapit ng taong 2028 batay sa naging projections ng kanilang mga statisticians.

Aniya, kaugnay nito ay patuloy ang isinasagawang pagsusumikap ng ahensya upang matiyak ang moving targets na ito at maging bahagi ng pag-build up sa tourism portfoliio ng bansa sa mga international arrivals kasabay ng patuloy na pagsuporta sa domestic tourism.

Samantala, kumpiyansa naman si Frasco na maaabot ng Pilipinas ang target nitong 4.8 million na mga turista ngayong taon dahil nalampasan na nito ang kabuuang bilang ng target nito noong nakaraang taon.