-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Umabot na sa 12 mga ex-convicts na naka-avail sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law ang sumuko na sa iba’t ibang police stations sa buong rehiyon ng Caraga.

Ito’y base na rin sa pinakahuling talaan ng Police Regional Office Region 13 (PRO-13) kahapon, ilang araw bago magtapos ang 15-araw na ultimatum na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa halos 2,000 ex-convicts na nakalaya dahil sa GCTA.

Sa nasabing bilang, apat sa mga ito ay nahatulan sa kasong murder, tatlo naman sa kasong rape, dalawa sa robbery with rape at tig-iisa naman sa mga kasong robbery with homidice; dangerous drugs at homicide.

Umaasa ang PRO-13 na madadagdagan pa ito bago magpaso ang ultimatum na ibinigay ng Pangulong Duterte.