-- Advertisements --

Patuloy na nagpapagaling ang 12 mag-aaral ng San Jose National High Shool sa Tacloban City, Leyte matapos silang masugatan sa insidente ng pamamaril nitong Lunes, Hunyo 22 ayon sa Department of Education (DepEd).

Batay sa pinakahuling report ng DepEd noong Hunyo 27, nasa “stable to recovering condition” na ang mga estudyanteng naospital kasunod ng insidente.

Ayon pa sa ahensya, patuloy na minomonitor ang kondisyon ng bawat mag-aaral. Kabilang sa kanilang kasalukuyang kalagayan ang mga sumusunod:

  • Learner 1 — nananatili sa Intensive Care Unit (ICU), conscious at coherent, at sumasailalim na sa soft diet.
  • Learner 2 at 3 — conscious, coherent, may stable vital signs, at posibleng makalabas na ng ospital.
  • Learner 4 — patuloy na nagpapagaling.
  • Learner 5 — conscious, stable ang vital signs, at nasa recovery stage.
  • Learner 6 — natapos na ang operasyon, conscious at coherent.
  • Learner 7 — patuloy na nagpapagaling.
  • Learner 8 — nakalabas na ng ospital.
  • Learner 9 at 10 — natapos na ang isinagawang operasyon.
  • Learner 11 — sumailalim sa gamutan sa minor Operating Room (OR).
  • Learner 12 — nakalabas na ng ospital.

Samantala, tiniyak ng DepEd na nagpapatuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga ospital at pamilya ng mga apektadong mag-aaral upang matiyak na natatanggap nila ang kinakailangang tulong at suporta habang nagpapagaling.