LEGAZPI CITY – Dumating na sa Catanduanes ang isang professor at 12 estudyante mula sa University of the Philippines Los Baños (UPLB) matapos na pigilang bumiyahe ng ilang buwan dahil sa community quarantine na ipinatupad.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Governor Joseph Cua, nakatanggap sila ng maraming request mula sa mga magulang at kamag-anak sa pagpapa-uwi ng mga ito kaya’t binuksan ang Balik-Happy Island Program.
Tiniyak naman ng gobernador na sasailalim ang mga ito sa tamang proseso at health protocols.
Wala rin umanong dapat na ipangamba ang mga residente sa lalawigan dahil may dalang medical clearance ang mga ito at ilan pang dokumentona hinihingi.
Inaasahan pang dumating ngayong araw ang susunod na batch ng mga residente sa lalawigan na uuwi mula sa Metro Manila, na nawalan naman ng kabuhayan dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).