-- Advertisements --
ILOILO CITY- Nagpapatuloy pa ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng 12 empleyado ng Department of Tourism Region VI na nagpositibo sa COVID-19.
Ito ay kinumpirma mismo ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Treñas, sinabi nito na ang ilan sa mga indibidwal sa nasabing ahensya na COVID-19 positive ay mula sa probinsya ng Iloilo ay mayroon din na mula sa lungsod mismo.
Sinabi ng alkalde na nakipag-ugnayan na siya kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. hinggil sa ginagawang contact tracing.
Sa statement na inisyu ng DOT, nakasaad na asymptomatic ang ibang pasyente ayt mayroon ding nakaranas ng mild symptoms.
Mananatili namang naka-lockdown until further notice ang regional office ng DOT 6 .










