-- Advertisements --

Sa pagtatala ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI), 12 doktor na ang namatay dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Dahil dito, nakiisa na rin si PHAPI president Dr. Rustico Jimenez sa panawagang dagdagan ang supply ng personal protective equipment (PPE) sa mga ospital para maprotektahan ang healthcare workers.

Tinawag ng doktor ang pansin ng Department of Health na huwag ng i-hold sa mga warehouse ang dumadating na PPEs para makasalba pa aniya ng frontliners.

Noong Biyernes, 10 doktor ang patay dahil sa COVID-19 sa ilalim ng data ng Philippine Medical Association.