-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Umaabot sa 12 bayan sa lalawigan ng Maguindanao ang sinalanta ng baha.

Ito ay kinabibilangan ng mga bayan ng Mother Kabuntalan, Northern Kabuntalan, Datu Paglas, Datu Paglat, Sultan Sabarongis, Buluan, Datu Piang, Sultan Kudarat, Talitay , Pandag, Pagalungan at Datu Montawal.

Aabot na sa 40,499 households ang apektado ngayon ng baha sa probinsya.

Agad namang nagpaabot ng tulong ang Maguindanao government sa mga pamilya na naapektuhan ng baha.

Unang napagkalooban ng tulong ang 8,692 na mga residente ng Datu Montawal at 10,608 mula sa Pagalungan na lubhang naapektuhan.

Nagpapatuloy ang repacking ng relief goods ng PGO-Maguindanao para agad ring mabigyan ang iba pang LGU.