-- Advertisements --
Idineklarang dengue hotspot ang ilang barangay sa Quezon City matapos makapagtala ng 148 kaso ng dengue ang nasabing lungsod batay sa QC health office ngayong araw.
Kabilang sa mga barangay na dengue hotspot ay ang Lourdes, San Isidro Labrador, Santa Teresita,Batasan Hills, Bagumbayan, Blue Ridge B, Libis, St. Ignatius, Baisa, Sangandaan, Talipapa, at Tandang Sora.
Nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na karamihan sa mga nagkakasakit ay edad sampu pababa, tumaas din daw ang dengue cases sa bansa ng 33% kumpara sa mga naitala noong 2023.
Nilinaw din ng ahensya na nagsasagawa pa sila ng imbestigasyon dahil hindi pa tiyak kung ang dengue outbreak ay dulot ng mga bahang dala ng mga nagdaang kalamidad.