-- Advertisements --
ncrpo2

Nasa 12 katao ang arestado sa ikinasang magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa laban sa illegal gambling sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila nitong Sabado.

Ayon kay NCRPO chief MGen. Guillermo Eleazar, simultaneous ang ikinasa nilang operasyon para buwagin ang illegal number games sa Quezon City, Parañaque City, Pasig City at Las Piñas City.

Sampu sa mga naaresto ay kolektor ng taya, habang ang isa ay kabo o bet collector supervisor.

May isa ring hinuli dahil sa obstruction of justice matapos harangan ang mga operatiba sa pagsalakay.

Sinabi ni Eleazar na ang naturang operasyon ay bahagi ng pagpapalakas ng kampanya laban sa ilegal na sugal na batay sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Isinasagawa ang numbers game sa loteng sa pamamagitan ng lotto draws.

Pinaalalahahan naman ni Eleazar ang publiko na iwasan na masangkot sa illegal gambling dahil kapag sila ay mahuli tiyak paiiralin ang batas laban sa mga ito.

Hinimok naman ng heneral ang publiko na tulungan ang otoridad para mabuwag ang ang illegal number games.

ncrpo1

” We will be relentless in our campaign against all forms of illegal gambling,” wika ni MGen. Eleazar.Parañaque City, Pasig City at Las Piñas City.