-- Advertisements --

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng tatlong biktima ng stray bullets sa pagsalubong ng taong 2021.

Sa isang media briefing, sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. lldebrandi Usana na namatay ang 12-anyos na babae mula sa Lanao del Norte matapos matamaan ng ligaw ng bala habang nasa labas ng kanilang bahay bitbit ang kaniyang alkansya.

Usana PNP spox
PNP spokesperson Brig. Gen. lldebrandi Usana

Tinamaan naman ng ligaw na bala ang 6-anyos na bata mula sa Sta. Catalina, Negros Oriental habang umiihi dahilan upang nagtamo ito ng tama sa kaniyang tiyan.

Nagtamo rin ng tama dahil din sa ligaw na bala sa kaniyang paa ang isang biktima mula sa Dagupan kung saan tinamaan ito habang natutulog.

Nauna nang ipinagbawal ng PNP ang pagpaputok ng baril nitong pagsalubong ng bagong taon. (with report from Bombo Jane Buna)