ILOILO CITY – Isang menor de edad ang binuntis ng kanyang stepfather sa Supa, San Jose, Antique.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Rosemarie Tomacho, lola ng nabuntis na si alyas Cherry, sinabi nito na napansin niya na lumalaki ang tiyan ng kanyang apo.
Ayon sa lola, nagduda ito na buntis ang apo at doon na ipinagtapat ng 12-anyos na “may nangyari” sa kanila ng kanyang stepfather na si alyas Joseph.
Ani lola Rosemarie, agad nilang idinulog sa pulisya at sa Department of Social Welfare and Development ang nangyari sa apo.
Labis namang ikinagulat nito nang inamin ng kanyang apo na may pagtingin sila ng kanyang stepfather sa isa’t-isa.
Dahil dito, napagkasunduan na sususportahan na lang ng amain ang pagbubuntis ng dalagita.
Napag-alaman na ulila sa magulang si alyas Cherry at pangalawang asawa naman ng kanyang namayapang ina ang bumuntis sa kanya.
Sa ngayon, nasa kustodiya ni Lola Rosemarie si alyas cheche sa Kirayan Sur, Miag-ao, Iloilo.