-- Advertisements --

Pinaghihigpit na ng sinturon ang mga residente sa 118 barangay sa Davao City.

Ito ay matapos na mag-abiso ang Davao City Water District sa mga consumers na nito na asahan na ang mas mataas na singil sa tubig sa oras na maipatupad na ang 20% increase rate nito ngayong taong 2024.

Ayon sa naturang water district, ito na ang ikalawang tranche ng kanilang pagpapatupad ng water rate hike mula nang ipatupad nito ang unang tranche na mayroong 30% increase rate sa singil sa tubig noong taong 2022.

Para sa residential at government connections, ang minimum rate para unang 10 cubic meters ay tinatayang nagkakahalaga sa Php214.20 mula sa dating Php178.50.

Magkakaroon naman ng dagda na singil na nagkakahalaga sa Php22.50 sa kada 11-20 cubic meters; Php29 naman para sa kada 21-30 cubic meters; Php38.50 para sa kada 31-40 cubic meters; at Php56.20 naman para sa 40 cubic meters na makukunsumong tubig pataas.

Ayon sa Davao City Water District ang dagdag singil sa tubig sa mga lugar na nasa ilalim nito ay para sa kanilang mga proyekto at upang mas mapaigi pa ang kanilang serbisyo.