Umakyat sa 115 mga Pilipino na nasa Gaza ang humiling na makauwi sa Pilipinas ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ito ay tumaas mula sa 78 naunang Pilipino na humiling para sa repatriation.
Una ng iniulat ng ahensiya na nasa kabuuang 134 Pinoy ang nasa Gaza.
Sa kasalukuyan, ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eaduardo De Vega, inaantay nilang payagan ng mga awtoridad sa Israel na marepatriate ang mga Pilipino.
Sa datos ng ahensiya nasa 60 Pilipino ang nag-aantay na makatawid sa Rafah border sa pagitan ng Egypt at Gaza.
Kahapon. nasa 500 na mga dayuhan at dual citizens ang pinayagan ng mga awtoridad ng Egypt na makadaan sa pamamagitan ng Rafah border kabilang dito ang 2 Pilipinong doktor mula sa Doctors Without Borders.
Ang Doctors Without Borders ang siyang inccharge sa nasabing mga Pinoy.
Mananatili naman ang 2 Pinoy sa Arish, ang bayan na pinakamalapit sa border at saka tutungo sa Cairo, Egypt.
Subalit, ayon kay USec. De Vega, ang 2 doktor ay hindi uuwi sa PH sa halip ay madedeploy ang mga ito sa ibang lugar.