Iniulat ngayon ng Department of Health na nakapagtala ng bagong 11,085 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Mas mataas ito sa bilang nitong nakalipas na Martes na mahigit sa 10,000.
Sa kabuuan ang mga tinamaan ng COVID sa Pilipinas mula noong nakalipas na taon ay nasa 1,776,495 na.
Mayroon namang naitalang bagong 11,628 na mga gumaling.
Ang mga nakarekober sa coronavirus ay umaabot na sa 1,640,721.
Gayunman nasa 161 din ang mga bagong pumanaw.
Sa kabuuan ang death toll sa bansa ay nasa 30,623 na.
Sa kabilang nito napakarami pa rin ang mga aktibong kaso o mga pasyente na nagpapagaling pa na umaabot sa 105,151.
Habang mayroong siyam na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
“Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.9% (105,151) ang aktibong kaso, 92.4% (1,640,721) na ang gumaling, at 1.72% (30,623) ang namatay,” bahagi pa ng abiso ng DOH. “Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 16, 2021 habang mayroong 9 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 9 labs na ito ay humigit kumulang 3.9% sa lahat ng samples na naitest at 5.6% sa lahat ng positibong mga indibidwal.”