-- Advertisements --
ROXAS CITY – Sugatan ang 11 katao matapos magsalpukan ang tricycle at isang sasakyan sa Tapaz, Capiz.
Kinilala ang mga sakay ng tricycle na sina Darlyn Pulmones, 20; Medilyn Pulmones, 15; Araceli Gicole, 65; Leticia Ganit, 52; Emelsa Del Amor, 28; Trisha Mae Del Amor, 7; Sarah Joy Del Amor, 8; Mema Palmonte, 63; Fermalita Gimeno, 64; at driver na si Angelito Palomar, 45.
Habang nag-iisa ang driver ng sasakyan na si Fr. Angelo Ubalubao, pari na nakatira sa Roxas City.
Batay sa ulat, papuntang bayan ang overloaded na tricycle nang sumingit sa kabilang lane ng daan.
Dahil dito, bumangga ang tricycle sa sasakyan ng pari kaya sila tumilapon sa tabi ng kalsada.
Pare-parehong nagtamo ng sugat sa katawan ang mga biktima.