
Bilang isang mapagmahal, mapagmalasakit at inklusibong komunidad, pinangunahan ni Mayor Lani Cayetano ang pag officiate sa kasal ng 11 pares na PWD couples na siyang kauna-unahang special ceremony.
Ang Kasalang Bayan ay sponsored ng City Government ng Taguig na ginanap nuong Sept. 21,2022 sa Lakeshore Hall in Barangay Lower Bicutan.
Ang tema ng nasabing seremonya: “Sa Lungsod ng Taguig, Kasalang Bayan para sa mga Taong may Kapansanan, PWeDe!”
Napansin ni Mayor Lani na higit pa sa pagpapadala ng mensahe ang pagpapakasal para sa pag-ibig ay posible o pwede para sa mga mamamayang may kapansanan.
Tinitiyak din ng pamahalaang Taguig sa mga Taguigueño na PWD na maaari nilang matamasa ang parehong mga karapatan tulad ng lahat at kabilang dito ang karapatang magtatag ng masayang pamilya at mapagmahal na tahanan, at marami pang iba.
Ang mass wedding ay inorganisa ng Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) sa pakikipag-ugnayan sa Civil Registry Office.
Ang pagkakataon ay ibinigay sa mga mag-asawang Taguigueño, na mga PWD.
Kabilang sa pares ay sina Danilo Aquino na may kapansanan sa orthopedic, at Mirasol Igna, 30. Nag-uumapaw ang pasasalamat sa kaganapan dahil ang seremonya ay makakatulong sa kanila na gawing lehitimo ang kanilang mga anak.
“Hindi lang ito kasal naming mag-asawa. Ito rin ay para sa aming mga anak,” pahayag ni Danilo, 46-anyos residente ng Brgy. Sta. Ana.
Sa panig naman ni Antonio Feliciano, 28-anyos, na mayruong speech disability, ay kinasal kay Jovelyn Binalla, 25-anyos residente ng Brgy. Bagumbayan, nagpasalamat ang mga ito sa pamahalaang lokal ng Taguig.
Ang lahat ng mga mag-asawa ay namuhay nang magkasama nang walang benepisyo ng kasal nang higit sa limang taon.
Ang pinakamatandang PWD na nagpakasal ay si Jonathan Pacheco, 51-anyos at may kapansanan sa orthopedic.
Pinakasalan niya si Eva Lunas, na 25 taon na niyang nakasama. Sila ang pinakamatagal na mag-asawa sa grupo.
“Mayroon na kaming anim na anak. Matagal na naming pinapangarap na ikasal pero dahil sa kakulangan sa pera, hindi namin magawa. Laking pasasalamat namin sa pamahalaan ng Taguig, lalo na kay Mayor Lani, sa oportunidad na maikasal kaming may kapansanan kahit kami ay matanda na,” pahayag ni Jonathan.
Ang mga organisasyon ng PWD sa iba’t ibang barangay ng lungsod ay may natatanggap na buwanang allowance mula P500 hanggang P3,000. Lahat ng rehistradong PWD ay tumatanggap din ng birthday cash gift na P1,000.
Ang Taguig ay nagsasagawa ng medical at dental missions at livelihood trainings na direktang tumutulong sa mga PWD. Binuksan ang mga oportunidad sa trabaho sa mga job fair, kung saan ginagawa ng local government unit ang bahagi nito sa pagkuha ng mga PWD.
Sa pagpapaunlad ng kultura ng walang diskriminasyon, nagbibigay din ang pamahalaang lungsod ng mga pagsasanay para sa mga manggagawa nito, mula sa pagiging sensitibo sa kapansanan hanggang sa Filipino sign language.