-- Advertisements --
Patay 11 katao kabilang ang limang bata matapos ang missile strike ng Russia sa Donetsk region sa Ukraine.
Ayon kay Vadym Filashkin ang namumuno sa Donetsk region military administration na gumamit ang Russia ng S-300 missiles kung saan mayroong walong iba pa ang nasugatan.
Ang Donetsk region kasi ay frontline ng labanan sa silangang bahagi ng Ukraine na ito ay bahagyang nasakop ng Russian forces.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga kaanak ng mga nasawing biktima at tiniyak na makakakuha sila ng hustisya.