-- Advertisements --
Aabot sa 11 katao ang nasawi matapos ang naganap na stampede sa isang overcrowded na stadium sa Congo.
Nagtatanghal sa nasabing concert si Congolese singer Fally Ipupa.
Ang Stadium of Martyr ay napuno ang 80,000 capacity nito kung saan nagtulukan ang mga manonood na para makalapit sa stage.
Ayon sa mga kapulisan na karamihan sa mga nasawi ay na-suffocate habang ang iba ay naipit.
Mayroong pitong katao na rin ang dinala sa pagamutan matapos makaranas ng hirap sa paghinga.
Sa labas ng stadium ay gumamit ng tear gas ang mga kapulisan para itaboy ang ilang katao na nagpumilit na pumasok pa sa concert.
Sa kaniyang social media account ay labis ang kalungkutan ng singer ng mabalitaan ang nasabing insidente.