virginia beach shooting 1

Labing-isang katao na ang idineklarang patay sa naganap na pamamaril sa Virginia Beach, United States.

Kinumpirma ni Virginia Beach Police Chief Jim Cervera na kasama sa mga namatay ang suspek sa pamamaril.

Inaasahan naman na nasa mabuting kalagayan na anag isangb pulis na nabaril sa nasabing insidente.

Napag-alaman ng mga otoridad na dating empleyado sa gobyerno ang suspek ngunit tinanggal ito sa kanyang puwesto noong Huwebes.

Inilarawan naman ni Virginia Beach Mayor Bobby Dyer ang malagim na pangyayari bilang “most devastating day” sa kanilang komunidad.

Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang Federal Bureau of Investigation sa mga otoridad upang imbestigahan ang tunay na dahilan sa likod pangyayari.