-- Advertisements --

Nahaharap sa reklamong pang-aabuso sa isang menor de edad si French Cardinal Jean-Pierre Ricard.

Isa ang cardinal sa pinangalanan ng simbahan na 11 mga dating bishop na nahaharap sa sexual violence.

Base sa reklamo na inabuso nito ang 14-anyos na babae noong ito ay pari lamang 35-taon na ang nakakalipas.

Noong nakaraang taon kasi ay nadiskubre ang mga ebidensiya na ilang libong paedophiles ang nag-ooperate sa French Catholic Church ng ilang dekada.

Lahat aniya ng 11 mga akusado ay nahaharap sa kaso at disciplinary action ng simbahan.

Ang pinakahuling pagbubunyag ay lumabas sa conference ng mga French bishops sa Lourdes sa south-western France.

Sinabi ni Archbishop Eric de Moulins-Beaufort na kasama sa 11 na inakusahan ay sina dating bishop ng Creteil na si Michel Santier.

Sa sulat naman ni Cardinal Ricard ito ay humihingi ng kapatawaran.

Ang 78-anyos na si Ricard ay nagretiro na matapos ang 18 taon na obispo ng Bordeaux.