Humigit kumulang 11,000 persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang naturukan na ng COVID-19 vaccine, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) Healthcare services.
Ang bilang na ito ay 38 percent ng mahigit 28,000 PDLs sa loob ng New Bilibid Prison.
Pero sa ngayon, 10 pa lamang mula sa bilang na ito ang siyang fully vaccinated na kontra COVID-19.
Sinabi ng BuCor na base sa kanilang records ay mahigit 13,000 PDLs na sa iba pang national government-run jail facilities ang nakatanggap ng first dose habang 4,000 naman ang fully vaccinated na.
Nauna nang nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa pamahalaan na atupagin din ang kondisyon ng mga PDLs at ang kanilang pangangailangan para sa COVID-19 vaccinations.