-- Advertisements --

Patay ang 11 bagong silang na mga sanggol matapos na masunog ang neonatal section ng regional hospital sa Senegal.

Sinabi ni Senegal President Macky Sall na hindi agad nailigtas ang mga bata dahil sa bilis na pagkalat ng apoy sa Mame Abdou Aziz Sy Dabakh hospital na matatagpuan sa Tivaouane.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Sall at tiniyak ang pagbibigay ng tulong sa kanila.

Patuloy pa inaalam din ng mga otoridad ng Senegal ang naging sanhi ng malaking sunog.