-- Advertisements --
image 1

Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng nakapagtala ng kabuuang 102 volcanic earthquake sa bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ito ay mas mataas kumpara sa naitalang 24 na volcanic earthquakes nitong araw ng linggo.

Ang ibinubugang sulfur dioxide mula sa bulkan ay tumaas ng hanggang 925 tonelada sa nakalipas na araw.

Naobserbahan naman ang nasa kabuuang 263 rockfall events sa bulkan.

Nakapagtala rin ng 8 dome-collapse pyroclasticdensity current events sa bulkan.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes , nasa kabuuang 41,483 katao o 10,642 pamilya sa 26 na barangay sa Bicol region ang apektado ng nagpapatuloy na mga aktibidad ng Bulkan.

Nasa mahigit 18,000 indibidwal o mahigit 5,000 pamilya ang nananatili sa 28 evacuation centers habang ang iba naman ay pansamantalang nanunuluyan sa ibang mga lugar na malayo sa bulkan.

Kasamang nailikas na din ang nasa kabuuang 1,107 livestock animals.

Bunsod nito, umiiral pa rin ang state of calamity sa 18 siyudad at bayan sa lalawigan ng Albay.